top of page
Search

Entry #3 : Paulit-ulit

  • Writer: DinesseC
    DinesseC
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

Ang isang salita pag inulitulit tila maari itong mawalan ng bisa. Ngunit bakit kaya ang karamihan ganoon pala ang isipan, na habang tumatagal ang mga katagang inilalathala ay nawawalan na ito ng epekto o ang mismong kahulugan nito ay bumababaw na. Bakit nga ba ganoon? Hindi naman ibig sabihin na kung ang salitang iyon ay paulit ulit na sinasambit ay hindi na nila sinasadya ang ibig sabihin nito. Siguro ay may mga tao talaga na tunay ngang nawawalan na ng pakielam kung yung mga katagang kanilang binibitawan ay totoo at galling sa kaibuturan ng kanilang puso. Sa iyong palagay ganun ka rin ba? Isa ka na rin ba sa kanila?



Simulan na lamang natin ito sa isang halimbawa na kataga na tunay nga naman na katuwatuwa. I love you, Te amo, Saranghae, Mahal kita. Hindi ba at sobrang sarap sa pandinig at sa pakiramdam masabihan ng ganto ng minamahal ka at ng minamahal mo? Ngunit papaano kung humantong na sa paulit ulit na ito sayo sinasabi at pakiramdam mo ay di na ito sinsero at bukal sa puso? Maraming pwedeng maging sanhi kung bakit ganoon na lamang ang maaaring mangyari ngunit sa kabila ng daming iyon hindi ba maaari na lamang tayo tumingin sa mas positibong dahilan? Ito ay ang paraan nila upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa kanilang iniibig, sa pagsambit nito kahit man paulitulit ay isipin na lamang natin na sa sobrang umaapaw ang pagmamahal o emosyon na kanilang nararamdaman ay kahit di mabilang ang pagsambit ng mga katagang ito ay tunay pa rin nilang tinatangi ang taong binibitawan nila ng salitang puno ng pagmamahal.



Sa madaling salita, ang pagmamahal ay hindi ipinaramdam sa ating mga tao upang itago o ikimkim. Ito ay nilikha upang ipalaganap o sambitin sa iyong iniibig na sya ay iyong tinatangi. Iparamdam, ipayapos, ipagsigawan sa buong mundo na is aka sa mga tao na nabigyan ng pagkakataon magmahal.

 
 
 

Recent Posts

See All
Reflection #1: Trends and Network

The meaning of network based from the internet is usually informally interconnected group or association of persons such as friends or...

 
 
 

Comments


FB_IMG_1593764760172.jpg

Hi, thanks for stopping by!

Can't think of any interesting information about me anymore since I wrote everything in my about page so just please click the read more below. Thank you!

Let the posts
come to you.

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Instagram
  • Twitter
  • YouTube

Suggestions? Concerns? Confessions? or just someone want to talk to, I am here. Don't hesitate to drop by!

Will talk to you soon! Until then take care!

© 2020 by D.C.

bottom of page