Tekstong Prosidyural
- DinesseC
- Jan 15, 2021
- 2 min read
Ang aralin na aking pinakanagustuhan at natutunan ay ang Tekstong Prosidyural. Ang tekstong prosidyural ay naglalayon na maipahayag ang mga hakbang upang nang sagayon ay matapos o mabuo ang isang bagay sa wastong pamamaraan. Sa panahon ngayon na ang mundo ay sumailalim sa isang pandemya kung saan ang bawat isa ay kadalasan nasa loob lang ng kanilang mga bahay. Dahil don maraming mga tao ang nakakaisip ng mga maaring pagkaabalahan ng hindi na kinakailangan pang lumabas. Maraming tao ngayon ang na enganyong mag gawa ng mag bagay na hindi natin inaasahan na maari pala.
Nangunguna ang mga do-it-yourself na mga bidyo, kung saan gamit lamang ang mga bagay na hindi na masyado napagtutuunan ng pansin at hindi na nagagamit maari itong maging bagay na kung saan magiging kagamit gamt ito. Mayroon ding mga bidyo na nagtuturo kung papaano lutuin ang isang putahe, maraming mga tao ang nanonood sa mga ito sa kadahilanang upang magkaroon naman ng ibang lasa ang kanilang pagkain. Sa tagal ng kanilang paglalagi sa bahay ay halos naubusan na sila ng ideya kung ano pa ang maaaring lutuin. Isa pa sa mga bidyo na talagang kapakipakinabang ito ay patungkol sa mga pagsasaayos ng mga bagay na hindi natin alam na pwede naman pala tayo mismo ang kumumpuni katulad na lamang ng screen ng isang selpon. Maari na tayong mag kumpuni nito sa pamamagitan lamang ng panonood at pagsunod sa mga hakbang na kinakailangan. Ngunit sa kabilang banda natutunan ko din na hindi madali mamahagi ng impormasyon kung ikaw mismo ay hindi maalam sa mga bagay na ito. Isa na roo ang kinakailangan na ang kaalaman mo sa bagay na iyon ay hindi lamang tulad ng kaalaman na taglay ng mga manonood ngunit ang kailangan ay mayroon ka ring natatanging kaalaman na maibabahagi sa mga tao na iyon. Hindi lamang iyon, importante rin na bagoat may matututunan ang iyong mga manunuod sa iyong ginagawa.
Isang aralin ito na tunay ngang hindi ko malilimutan, isang aralin na hindi gaano pinagtutuunan ng pansin ng karamihan ngunit tunay ngang itong nakakatulong. Ang pagiging maalam ay hindi lamang sapat, kundi marapat ang kaakibat nito ay ang iyong lubos na pangunawa. Na kung saan sa pagbabahagi mo ng mga natatanging impormasyon marami ang iyong natutulungan at ang iyong sarili din ay marahil natututo. Tekstong Prosidyural, hindi ka man nila pansinin, makalimutan ka man nila. Hinding hindi ka naman maiaalis sa puso ng lahat ng tao, hindi man nila alam kung ano ang kanilang ginagawa andyan ka upang maging gabay.
Recent Posts
See AllAndres Bonifacio y de Castro Andres Bonifacio y de Castro(1863-1897), a Filipino revolutionary hero, founded the Katipunan, a secret...
The meaning of network based from the internet is usually informally interconnected group or association of persons such as friends or...
What makes a successful entrepreneur? How did they come that far? Does somebody who has power help them? Would it last? These are some of...
留言